Ang lungkot nang walang ikaw.
Namimiss ko yung pag gigising ako sa umaga, tapos ikaw agad yung unang makikita ko. Yung mukha mong nakasimangot at tulo laway. Kahit sobrang pangit mo tignan, napaka sarap mo titigan. Na kahit ganon ang itsura mo, kayang kaya ko parin sabihin na mahal kita. Na mahal na mahal kita.
Kahit na kapag magkasama tayo, lagi mo akong inaaway. Lagi mo akong iniinis. Lagi mo akong kinakagat sa pisnge. Tapos kapag badtrip ka sa’kin mo ibubuntong, tapos kapag nakita mong naiinis na ako, bigla mo nalang ako yayakapin.
Kahit na lagi moko inaaway, masaya ako sa’yo. Kahit na ganon ka, masaya ako nang ganon. Ewan ko kung bakit, pero imbes na mainis ako at sabihing iwanan ka, natutuwa pa ako.
Pero bakit naman ganon? “Kung talagang mahal mo ako, magiging masaya ka. Ibaling mo muna sa iba.” Dahil sabi mo yan, wala akong magagawa kundi sundin ka.
Pero sana wag mawala sa isip mo na mahal kita. Mahal na mahal na mahal.
Araw araw,sinasabi ko nalang lagi sa sarili ko,”Ayoko na. Last na ‘to. Pagod na ako.” Pero kapag nakikita na kita,lahat nang ‘yun napapalitan nang “KAYA KO TO. MAHAL KO,E.”
YUNG SOBRANG SAKIT NA. TAPOS MASASABI MO NALANG,”AYOKO NA.”
Kung alam mong mahal ka talaga nang mahal mo,kahit na kumausap pa siya nang kung sino mang babae/lalake,kung alam mo namang talagang ikaw lang ang mahal niya,e wala ka dapat ika selos. SILA dapat ang mag selos dahil sa dami daming babae/lalake jan,ikaw pa pinili nila. <3
Kung hindi mo lang rin maipaparamdam sakanya yung mga salitang binibitaw mo,mas mabuti kung MANAHIMIK ka nalang at wag na MAGSALITA.
Kapag may mahal ka,hindi na importante kung sino ang mas ma effort o mas nag mamahal. Sige lang,ibigay mo ‘yung best mo. Huwag na huwag kang mag sasayang nang araw nang hindi ipinapaalala at ipinararamdam sakanya kung ga’no mo siya kamahal. Dahil sa buhay,hindi naten alam kung hanggang saan sila sa buhay naten. :)
Malamang,maraming nagsasabi pa sa’yo na masyado ka pang bata para mag mahal. Pero alam mo? ‘Wag na ‘wag kang makikinig sa sinasabi nila. Alam mo kung baket? Dahil ikaw lang ang nakakakilala sa sarili mo nang lubusan at ikaw lang ang nakaka alam kung ano ang makakapag pakasaya sa’yo.
Yung feeling na,nasasaktan kana sa sinasabi niya.Pero wala ka nalang nagagawa kundi manahimik at pigilan yung luha.
Mahal kita. Tapos.
Alam mo kahit hindi ko man madalas naipaparamdam sa’yo na mahal kita,o kaya naman hindi ko madalas nasasabi,hindi ibig sabihin nun e hindi na kita mahal.
Alam mo,kahit na mukha kang games minsan o kaya kahit napaka childish mo (E mas matanda ka pa kaya sa’kin!),okay lang. Kasi alam mo kung bakit? Ang cute kasi,eh.
Kahit na ang arte arte mo minsan o kaya kahit na ang kitid nang utak mo minsan..Minsan lang naman. Okay lang rin. I love you parin sagad sa buto.
Naiinis ako sa ngiti mo.Lalo naman sa tawa mo. Nakaka pikon yung mga asar mo sa akin,kasi imbes na sabihan mo ako nang magagandang bagay,kabaliktaran ginagawa mo.
Pero okay lang. Alam ko naman mahal mo rin ako. Wag ka mag alala,mahal rin kita.
Mabuti nalang at wala siyang Tumblr. :)










